? Tuesday, June 23, 2009
Enlighten me.
I don't understand why people comment on my weight when they see me. I'm not the heaviest. Im not the scrawniest (and I mean cmpared to the group!) but people always had to say : "pumayat ka" or "sumesexy ka na!", as if my world revolves around my weight or as if all I care about is my looks. Kasi kung ganun lang rin ako kababaw or ka-shallow eh di sana parati akong well-groomed or sana anorexic nako (meaning naka-develop na ko ng mental illness gawa ng obsession sa weight). Kaso hindi.. I don't assign people to monitor my weight or appearance everytime they bump into me. Buti sana kung normal thing nalang yun or tradition yun (which is stupid by the way), or kung ginagawa rin yun sa ibang tao sa paligid ko. Kaso hindi.
Sa ilang taon kong pag-o-obserba, ako lang ang ginaganun. Di naman ako manhid para ma-deadma yun ng ganun nalang. Napaka-obvious para sabihing "wala lang yun, nagkataon lang". Nagkataon?! haha Grabeng odds namankung nagkakataon lang.
Enlighten me.
Kapag kapatid mo, ok lang na utusan mo or hingan mo ng favor kahit inaasar mo sya or kahit may sabihin kang mean. Kapatid mo yun eh. I'm not saying it's right, but there's a special privilege kapag magkapatid kayo at kayo-kayo ang nagaasaran or nagco-comment ng di maganda sa isa't-isa. Pero pag ibang na tao na, at bigalng sasabihing ; "eh may kwenta rin pala tong si BLANK eh!" or "BLANK! Palitan mo yun ha, bumili ka sa labas nun!" iba na dating diba? Kasi pag kapatid mo wala kang purely evil intentions, may awkwardness lang to show your affection which is completely normal. Kumbaga kapag inasar mo yung kapatid mo dahil malaki ngipin niya or madami siyang pimples, hindi ka nasasaktan at hindi mo intensyon na maoffend siya, lambing mo lang yun. Pero pag narinig ang mga nasabing pang-aalaska sa ibang tao maiinis ka o magagalit ka at ipagtatanggol mo ang kapatid mo kahit totoong malaki ngipin o tenga niya.
Enlighten me.
May anak na ako. Hindi pa kasal. May plano pero mas pinili namin ng asawa ko na unahin ang gastos sa bata. WERRRNGKKK!!!!! Rewind! Asawa? Hindi pa kasal di ba? Bakit asawa? By paper syempre hindi, technically hindi kami binded by God or binded simply by marriage. Pero kung may anak na kayo, nagmamahalan {given the differences and quabbles}, ano kayo? Mga magulang ng anak ng isa't- isa? hahahahahahahaha Or are the two of you "just friends"?? isa pang hahahahahahhahahah! Sa mata ng mga oldies, lalu na yung mga sarado ang utak (yes merong hindi ganyan kahit parehong circa sila ng mga tinutukoy kong mga old folks), or yung mga traditional lang talaga, mga by the book kumbaga. Pero what's the deal with witches and their "questions"? Ano ba talaga ang intensyon ng mga tanong nila? Kasi natanong na nila dati itatanong ulit. hehe Specifics? E.g kapag hindi ko kasama si gilbert dahil may work sya or may family thing sila, hahanapin. "Si gilbert?", "San si gilbert?".. *sigh* Ako naman sasagot ;"Nasa QC po" or "may work po".. isa pang *sigh* Ano ba gusto niyong palabasin dibah?? Ngayon niyo lang ba nalaman na may anak na kame at ganito sitwasyon namin? Hindi diba? So why the stupid questions? {note: example lang yan. delikado kapag nilahad ko yung mga grabeng interrogations}.
to be continued...