? Saturday, November 01, 2008
May mga pagkakataon na pagsisisihan mo ang mga nangyari, ang mga nagawa mo, mga nasabi... Pero sa huli maiisip mo parin na kung hindi nangyari ang mga nangyari, kung hindi mo nagawa ang mga nagawa mo, kung hindi mo nasabi ang mga nasabi mo- magiging kasinglakas ka ba tulad ng sa ngayon? Marami na akong mapagdaanan, marami na akong nakilala, at dahil sa mga iyon alam ko na marami na akong nalalaman. Ngunit kahit kailan ay hindi ito magiging sapat upang aking masabi na natutunan ko na ang lahat ng dapat kong matutunan. Ang mawalan ng isang mahal sa buhay sa hindi natural na paraan, ang dumaan sa isang unos na hindi naiintindihan ng ilan, ang batuhin ang walang humpay na panghuhusga, ang magmahal ng sobra ngunit kulang pa... Matagal narin akong nagkulong sa mundong mas maiintindihan ng karamihan- ang normal, ang tama lang, ang pag-
exist ng hindi malaya. Ang pagkomporme sa isang estadong tanging maaarok ng madla. Sa mundong to, at sa uri ng mga taong nabubuhay dito- hindi talaga nababagay ang kasabihang "be yourself"..
Sa mga nangyari sakin, sa mga nalaman ko ayon sa ilang taong pagoobserba sa mundong ginagalawan ko, ang pagiging ikaw ay hindi sapat. Maralit ito'y sobra pa, sobra sa kayang himayin ng mga utak ng mga tao. Hindi ko sinasabing ako ay mataas, at lalong hindi ko sinusumpa sa bato na ako ang pinakamalalim- hindi ito paligsahan. Wari ko lang ay malaman ito ng lahat, upang mabawasan {kung hindi man tuluyang mapuksa} ang mga bagay na sisira lamang sa ating kaligayahan.
Sa mga taong nakikipagunahan na malaman ang mga katotohanan ng buhay- good luck. Hindi ito contest. Hindi mo kailangang magpretend na mature ka na at naiintindihan mo ang pinagdadaraanan ng iba. Dahil hindi mo alam...
Sa mga taong takot makipagugnayan- goodluck din. Walang nanalong duwag sa laban ng katapangan.
Sa mga taong mistulang bato- Katulad mo ang duwag. Matuto kang harapin ang emosyon na itinalaga sayo. Dito ka rin naman matututo.