? Monday, November 17, 2008
So......... balik call center muna ko. Di ko naman minamaliit ang call centers at mga agents, if anything naiinis lang ako sa mga agents na napakayabang. Tipong kesho malaki sweldo at may american accent eh kung umasta akala mo antas. Unconsciously nakukuha na nila ang ugaling arogante ng mga kano. {pero xmpre hindi lahat ng kano ganon.}
Masaya sa bagong work ko. Kasi bukod sa hindi pa taxed ang sweldo dahil trainees palang, masaya mga kasama ko. Diverse, smart people and most of them are just waiting for something kaya nag-call center muna in the meantime. I'm happy rin kasi nakakapag-brush up ulit ako sa english skills ko. Hindi kasi ako technical writer eh, i don't give a rat's ass about punctuation marks.. hehe Whatever sounds good yun ang ginagamit ko, and syempre since writing for me is an art medyo malayo talagang makulong ako sa teknikal na pagsusulat.
About the other job i was waiting for......... It's something i could really stick with long term, kaso unfortunate ang nangyari dahil tanggap nga ako nagkaron naman ng changes sa management nila. Nagkaron ng reshuffle ek-ek... Long story short- biglang hindi na nila need ng tao, and since ayaw din nila ng over-employed hindi nila kinuha yung mga pumasa. Pero magkakaron ulit sila ng bagong projects and promised me that they'll hire me as soon as dumating na mga yun.
Napipicture ko na sarili ko as a financial analyst... tsk tsk nabitin pa hehe
0 lurVes..
? me
11/17/2008
? Saturday, November 01, 2008
All's well that ends well day
Grabe super likot na ni uzuri, i took her to our clan's mauseleum today and boy was she hyper! Kalikutan stage na talaga ng batang to. Nakakatuwa and nakakapagod. Hassle lang kasi i had a pulsating headache, it's the worst since last year. Grabe ang kapal ng tao sa cemetery and yung mga naka-apartment ang mga patay sa may gate ng mauseleo namin nakaupo. Syempre si sofie {aka uzuri} nakikibarkada sa mga nakaupo hehe She took a seat beside the teenagers and tuwa naman sa kanya ang mga dalagito't dalagita. lol I prayed for papa of course, matagal-tagal ko narin hindi naipagdasal si papa. I dreamt of him na naman without anticipating this holiday. Actually I always dream of him when an ocassion' s about to come up. Nung broke ako napanaginipan ko sya, he was handing over some money! haha Papa talaga, basta makatulong kahit anong paraan gagawin hehe Kaso paggising ko syempre wala akong money on hand kasi nga dream lang. But what's eerie about it {and really twas a blessing in disguise}, was when a letter from prudential came saying I can claim some amount of money kasi scholar nila ako. Si papa kasi nag-avail nung education plan na yun, so in a way it was connected to my dream. Hehe coincidence? What a very good twist of fate, huh? :D
If there's anything to mourn about it's just me missin gilly...................
2 lurVes..
? me
11/01/2008
?
May mga pagkakataon na pagsisisihan mo ang mga nangyari, ang mga nagawa mo, mga nasabi... Pero sa huli maiisip mo parin na kung hindi nangyari ang mga nangyari, kung hindi mo nagawa ang mga nagawa mo, kung hindi mo nasabi ang mga nasabi mo- magiging kasinglakas ka ba tulad ng sa ngayon? Marami na akong mapagdaanan, marami na akong nakilala, at dahil sa mga iyon alam ko na marami na akong nalalaman. Ngunit kahit kailan ay hindi ito magiging sapat upang aking masabi na natutunan ko na ang lahat ng dapat kong matutunan. Ang mawalan ng isang mahal sa buhay sa hindi natural na paraan, ang dumaan sa isang unos na hindi naiintindihan ng ilan, ang batuhin ang walang humpay na panghuhusga, ang magmahal ng sobra ngunit kulang pa... Matagal narin akong nagkulong sa mundong mas maiintindihan ng karamihan- ang normal, ang tama lang, ang pag-
exist ng hindi malaya. Ang pagkomporme sa isang estadong tanging maaarok ng madla. Sa mundong to, at sa uri ng mga taong nabubuhay dito- hindi talaga nababagay ang kasabihang "be yourself"..
Sa mga nangyari sakin, sa mga nalaman ko ayon sa ilang taong pagoobserba sa mundong ginagalawan ko, ang pagiging ikaw ay hindi sapat. Maralit ito'y sobra pa, sobra sa kayang himayin ng mga utak ng mga tao. Hindi ko sinasabing ako ay mataas, at lalong hindi ko sinusumpa sa bato na ako ang pinakamalalim- hindi ito paligsahan. Wari ko lang ay malaman ito ng lahat, upang mabawasan {kung hindi man tuluyang mapuksa} ang mga bagay na sisira lamang sa ating kaligayahan.
Sa mga taong nakikipagunahan na malaman ang mga katotohanan ng buhay- good luck. Hindi ito contest. Hindi mo kailangang magpretend na mature ka na at naiintindihan mo ang pinagdadaraanan ng iba. Dahil hindi mo alam...
Sa mga taong takot makipagugnayan- goodluck din. Walang nanalong duwag sa laban ng katapangan.
Sa mga taong mistulang bato- Katulad mo ang duwag. Matuto kang harapin ang emosyon na itinalaga sayo. Dito ka rin naman matututo.
0 lurVes..
? me
11/01/2008