? Sunday, June 15, 2008
This is one of the things i don't need right now... but heck, it's like a have a choice.
I've been okay with my new job at a reputable company-slash-bank regardless how tiring and (at times, demeaning) it can get. What i need to rant about though, is my tan-ta-na-nan!!!! My boss.
*I know, i can "hear" eyebrows raising & eyes popping out at this very moment.* Lakas ba ng loob ko? Well, this is just me being risky, no, say it as "riskey" lol It's just that i get annoyed at unnecessary things because they
are unnecessary. Like when I started turning in applications, she said out loud- "(name of a colleague),
turuan mo si donna mag-turn in! di pa sya marunong!" When i say "out loud" i mean
rinig-ng-12 floor-na-puno-pa-ng-tao-dahil-maaga-pa kind of thing!! Napangiti nalang ako, sa ewan. Ewan kasi usually magtataray ako or magco-comment pero this time i had to hold it in. lol Okay, so mababaw pa yun.
Pero another office "don't" kasi ay ang mga
gossips!!! "hahahahahahahahaahahahahahaha"
plus "
badtrip lang kasi parang mga walang magawa sa buhay" ang tanging sumagi sa aking isipan nung finally nakapag-react nako regarding the issue brought up during one of our oh-so-early team huddles! Mantakin mo nga naman. Kabago-bago ko eh na-chismis na ang lola! It's just funny when you think about it, kasi ba naman i always tag along with my colleague/batchmate Algel, and to maliscious minds eh issue na yun. May maririnig nalang akong "oo nga bakit ba madalas kayong magkasama nun?", "alam mo bang naiintriga na kayo?", "honga! nung sales dance pa yun dba?","aah, yun pala yung tinatanong sakin nina BLANK, sino ba yung parating kasama ni Algel?!".... Haaay... Sa aga ng huddle na yon di ako nakapag-react ng normal. I mean kung pano talaga ako usually nag-rereact sa mga ganung eksena. Mataray kasi ako, i find it fun for me when i throw retorts with sarcasm. Pero since ang aga nga at nananaginip pa ko, all i blurted out was "ah, hehe wala lang. sus."
Pagdating sa bahay, napagtanto ko ang scenario na yon at nanghinayang dahil di ko man lang na-redeem sarili ko. But oh well, wala naman din kasi akong dapat ika-react that will satisfy their whims kasi Algel is a mere colleague, na mabait na masarap alaskahin dahil di napipikon. Nung sales dance kasi we went home ng sabay, why??? kasi Gilbert picked me up, sumabay si Algel and we dropped him off at Boni since he lives nearby. I wanted them to meet din kasi, why, again?? Kasi it's chismis-prone nga for a guy and a girl to be together, eh kaso hindi naman nakita nung iba si gilbert nung sinundo niya ako. *darn it* haha Anyway, kaya din kasi kame ang magkasama nun eh kasi team nila at team namen ang nag-combine to compete with other combined teams and since batchmates kame, malamang!!! kame ang magkasama. I don't get it. Kala ko kasi people inside the "corporate world" are more professional and appropriate, but i thought wrong pala.
In a way, i get it. Siguro kasi they're bored with their lame lives, or it's their way of unwinding. hehe I wont do that, I can't relax at other people's expense. Lalo na kung nakakawalang respeto sa ganung paraan. I tend to disrespect other people {not entirely intentional} because it's my lousy way of making a point. Pero to gossip or make stories about people around me? No way! All of this got me thinking- when i used to work for a call center/BPO, wala akong na-encounter na ganito, to think that a big percentage of people there didn't finish college due to numerous reasons, compared to what i'v experienced so far with my current job, nagtaka lang ako. Again, I am reminded that we don't learn everything from school. CSR's get belittled when not all of them are lowlives or jerks, or mayabang just coz they get good pay. As from the people who raised gossips- I expected more from them. Mga galing sa reputtable schools pa naman. Ako nga lang ata galing ceu dun eh. Get the picture?
Haaay... Sabi lang nina Algel at Jom, "hehe wag mo pansinin yun, hayaan mo na. gulat lang sila kasi may kasama kang artista" nyieh.