? Tuesday, December 25, 2007
heto na naman ang bagong siglo. paparating na muli ang isa pang batch ng 365 araw ng pagasa. bagong taon. bagong pagkakataon. uso na naman ang "new year's resolution/ s" (na natutupad naman kaya?), mga bilugang mga bagay (tulad ng polka dots at ang bagong implants ni controversial sexy star), i-a- apply muli ang mga natutunang feng shui para sa pag- asam na lalapit o kakapit ang swerte ngayong dadating na 2008, at syempre, mawawala ba talaga ang mga paputok, legal o ilegal?
Ngayong dadating na taon, madaling sabihin kung ano ang mga dapat baguhin, ngunit alin kaya sa mga ito ang sa wakas ay mababago na? Sabi nga, ang pagbabago ay naguumpisa sarili. Ngunit ayon sa mga naging karanasan ko sa buhay, ang pagbabago ng sarili o sa sarili ay hindi garantiyang magbabago din ang mga tao sa paligid mo. Dahil kung talagang matigas sila (o alipin ng pride) eh wala na sayo ang bastardong problema.
Totoong hindi lang tuwing sasapit na ang bagong taon ay duon lamang natin maaalala ang mga dapat baguhin. Sa sarili kong opinyon, hindi na nagma- matter ang new year's resolution kung hindi mo rin naman malalagyan ng check ang mga nakalista dito. Ang pagsusulat ng isang bagay sa papel ay nakakatulong sa pagtutuloy o pagpapatotoo ng mga gusto mong gawin, bilhin o baguhin. Ang mga
goals ay naisasakatuparan at ang mga tagumpay ay nakakamit. Pero ang pagsusulat ay step 1 pa lamang dahil ang step 2 ay ang pisikal na aspeto nito.