? Sunday, December 16, 2007
hmmm
andaming nakakamiss gawin.. hindi ko namimiss ang mga yun dahil may anak nako.. namimiss ko ang mga yun dahil hindi ko nalang talaga sila nagagawa.
tulad ng:
♥ biglaang lakad
♥ kakaibang food trip
♥ diverse na trip
♥ emo- han kung san
♥ poetry writing
♥ magpacute
♥ mga taong may maraming oras {a.k.a bum/s}♥ star gazing
♥ night life
♥ makalibre ng ganj. hehe joke (nga ba?)
marami talaga. kahit mga hate- days ko nung hiskul nakakamiss. wala seryoso na buhay ko. feeling ko kasi required. siguro nag- cave in narin ako sa conformity. pero hindi naman extreme ito. so far i can say din na hindi rin harmful. kunsabagay, ang pagiging unique ay hindi nababase sa pagsasabi nito ng paulit- ulit. nasa pagiging totoo sa sarili at nasa pag- tanggap ito ng mga isyu at imperfections ng isang tao. ang pagiging non- conformist ay contradicting rin tutuusin lalo na kung di mo gaano kakilala ang iyong sarili, dahil maraming nag-c- claim na non- conformist sila, ngunit ginagawa, sinasabi at iniisip naman nila ang mga ginagawa, mga sinasabi at mga iniisip ng iba. basta ikaw ay ikaw. solb na. be yourself! walang mali o masama kung may mga bagay kang aayusin o babaguhin sa sarili mo lalo na kung ikagaganda ito ng buhay mo o ng pakikisama mo sa iba. realization lamang ito. hindi suggestion. :)