tama ba namang tumawag ka ng ala-una at ipaalala na buhay ka pa..na hindi ka na umiwas at sinabi mong balanse nalng sayo ang lahat...??
di kita masisisi kung ninais mo na lamang na magkunwaring wala yun.. walang nangyari..di ba? bakit kasi pinagtagpo pa tayo ng linyang ito?bakit kasi kailangang super- charged ang baterya ng wireless mo? bakit una siyang nakakatulog..nakakatulugan ako.. samantalang ikaw, isang oras mahigit pindot ng pindot ng numero ko..
it's good t know that there are other possibilities.. but in this case, i hate the fact that there are.. coz it would mean chances..
ang hirap ng lagay ko ngayon, parang tinraydor ako ng lahat.. parang tinraydor ko ang sarili ko. di ba iba ang "kailangan at mahal" sa "kailangang lang" at "mahal lang"? mahirap kapag humantong ka sa ganyang options..pero mas mahirap yung inakala mong may options ka..ni hindi mo nga sigurado kung nasa mga choices ang gusto mo..ang tamang sagot. ano nga ba ang tamang sagot? ano muna ang tamang tanong? may ganun ba? tamang tanong?
nakakalungkot. nakakalasing.
pinuyat mo na naman ako.. nagigising naman ako. pag gising ko kninang umaga para akong may hang-over. nalalasahan ko pa kayo sa labi ko. hanggang ngayong nag-t-type ako masakit ulo ko.
sabi ko neto lang, "mahal kita, di kita ipagpapalit kht knino..even if it would mean my happiness.." (natawa ako)
pati ba naman mga sinabi ko mauudyok pakong kainin?
kagabi tinuruan niya ko ng kanta.. alas-dos, tanda ko pa.. emo ampotah
"meet me in the place where we first met, i will show you how i feel inside... "... you gave me butterflies, when i look into your eyes.."
"..do you feel the way i do, about you..?"
sabi ko nga nakakalito... wala kahit sino sa min ang sigurado..lahat nakayuko, wlang masabi. baka makasakit. baka makagulo. sa isang bagay na hindi rin sigurado..