? Thursday, January 05, 2006
hanggang kailan magmamasid
ang langit?
hanggang kailan kikinang ang mga
matang nagmamatyag?
kapos ang pagabot ng mga bisig na walang suko
muling magdadampi ang mga daliri.
maghihintay
habambuhay
makapiling lamang ang unos na inaasam
sa buhay niyang tila gumagalaw sa bawat paghampas
ng hangin.
Nagtitika ang karagatan, hindi dahil sa kawalan
bagkos ay sa pagsamo niyang iyong titigan.
sinasambit s apanaginip,
ng nagambalang ulang.
Nahabag sa tinig ng diwang nagdidikta.
at sa huling hudyat nito
makikinig ka pa ba?