? Friday, January 27, 2006
tama c grasya, salamat nga k manny. Sa araw na iyon, siya lang ang umuupak at sa kariño pa ng dayuhan.At mababa ang crime rate dahil lhat ay abala sa bawat sapak niya k morales.
kahit saan ka magpunta, patok ang suntok ni pacquiao. Kahit sa classroom, siya ang usap-usapan at sa kanya rin nakataya ang isangdaang piso at mahigit ng aking mga kaklase. Ewan ko nga ba kung bakit may pumusta k morales. Siguro ay dahil may doubt sila k manny, sa kababayan nila at kapwa pinoy, o pwede rin namang dahil sa kagustuhang maiba lang. Ang iba naman ay pumusta sa dalawa. Marahil ay naninigurado. Pero may pagdadalawang isip parin tlg k manny. Hirit ng iba, kapag nalaos na si pacquiao (na medyo malayong mangyari dahil tatak na sya ng bansa at kahelera na ng mga bayani) ay may fallback siya, ang kanyang album! Napailing tlga ko. Witty ang mga hirit ng mga 'to.
marami sa mga professors sa aming faculty ng aming college ay least favorite ang klase namin. Pero ako, napamahal na sila sakin. Di lang nila alam. Dahil sa mga hirit na nababalot ng kababawan, ilang daan at ilang libong talino ang kalakip ng katatawanang kung hindi mo maintindihan ay iisipin mong wlang katuturan.